 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 24 May 2026 |
| |
|
|
Ang Pentekostes ay pagdiriwang ng buhay. Hiningahan ni Jesus ang mga alagad at nagkaroon sila ng bagong buhay na dulot ng kapatawaran ng kasalanan. Sa Griego ang "pneuma" ay "hangin o hininga" na tumutukoy sa buhay. Ito ay nagpapaalala ng unang paglikha. Sa Gen. 2:7 ay hiningahan ng Diyos ang tao at nagkaroon ng buhay. Kapatawaran at buhay ang taglay natin. Magdiwang tayo at magalak. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|