Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
26 May 2026
 
Gantimpala. Ang ating mabuting gawa ay siya mismong gantimpala. Our good work is itself our reward. Inaani na natin ang "ganting pagpapala" sa bawat kabutihang inihahasik natin sa ating mga gawain.

Ang totoo, higit tayong tumatanggap kaysa nagbibigay sa bawat pagbabahagi natin ng sarili sa iba. Sa paglilingkod, may nawawala sa ating bagay na makalupa, pero tatanggap naman tayo ng makalangit na pagpapala.

*Martes sa Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN