 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 27 May 2026 |
| |
|
Ibaba. Sabi ng ilan, mahirap maging pinuno. Palagi kang mag-iisa. "It's lonely to be on top," anila.
Pero ang uri ng pamumuno na niloob ni Hesus ay hindi pag-akyat sa trono, kundi pagtungo 'sa ibaba.' "Ang sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat."
Ang tunay na lider ay wala sa itaas kundi kaisang-buhay ng kanilang pinaglilingkuran. Sabi ni Papa Francisco, ang pastol ay dapat makasing-amoy ng mga tupa. Ito ang kahulugan ng 'ministeryo' - nagmula sa wikang Griego, 'diakonia', na ang kahulugan ay paglilingkod.
Sa salita ni San Agustin, para sa inyo ako ay obispo, subalit kasama ninyo ako ay Kristiyano. Ang una ay pananagutan; ang ikalawa ay karangalan.
*Miyerkules sa Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|