Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
30 May 2026
 
Panatiko. Nakakaawa ang mga taong makitid ang isip. Nagiging bilanggo sila sa kanilang maling paniniwala. Iniiwasan nila ang okasyon para matuklasan ang katotohanan. Humahanap sila ng lusot upang maipatanggol ang kinamihasnang gawi at kaisipan.

Tulad ng mga punong saserdote at eskriba, ganito rin ang mga panatiko sa ating panahon. May sarili silang bersyon ng katotohanan. Mas naniniwala sa fake news para ipagtanggol ang mga pulitiko na kanilang sinusuportahan.

Tinatalikdan nila ang pagkakataon para magpanibago. Kaya nga, nananatili silang bihag ng lumang pag-iisip at hindi handang magbago kahit malinaw na ang katotohanan.

Ani Einstein: “Ang mga problemang kinakaharap natin ay hindi malulutas kung mananatili tayo sa parehong antas ng pag-iisip na siyang lumikha sa mga ito.”

*Sabado sa Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN