 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 31 May 2026 |
| |
|
MSK Sunday. Kailan nga ba nagiging "tayo" ang "ikaw" at "ako"? Ang sagot ay simple ngunit malalim: sa pag-ibig. Ang pag-ibig ang nag-uugnay sa mga puso, tumatawid sa mga pagkakaiba, at bumubuo ng komunidad. Ito ang misteryo ng Banal na Santatlo—isang Diyos na Ama, Anak, at Espiritu Santo: magkakaiba sa persona ngunit nagkakaisa sa pag-ibig.
Ang buhay ng Santatlo ang huwaran ng buhay ng Simbahan at ng ating mga MSK. Sa Diyos, may pagkakapantay-pantay at may pagbabahaginan ng buhay at pag-ibig. Gayundin sa ating mga MSK: pantay-pantay ang lahat sa dangal bilang mga anak ng Diyos, magkakaiba man sa kakayahan, o katayuan sa buhay. Ang pagkakaiba ay hindi hadlang sa pagkakaisa kundi biyaya na nagpapayaman sa komunidad.
Dahil magkakaiba tayo, marami tayong maibabahagi sa isa't isa. Walang taong napakahirap na wala siyang maibibigay at walang taong napakayaman na wala siyang maaaring tanggapin.. Sa pagbabahaging ito, ang "ako" at "ikaw" ay nagiging "tayo."
Ngunit ang tunay na pag-ibig ay hindi nagtatapos sa loob ng komunidad. Tulad ng Ama na nagsugo sa Anak at ng Ama at Anak na nagsugo sa Espiritu Santo, ang Simbahan at ang MSK ay likas na misyonero. Ang pag-ibig ay dapat umabot sa mga nangangailangan, at sa buong sangnilikha. Tayong lahat na bumubuo ng MSK, ang simbahan sa kapitbahayan ay tinatawag ding maging biyaya para sa iba.
*MSK Day/ Linggo ng Banal na Santatlo |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|