 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 01 June 2026 |
| |
|
May-ari. Ang buhay ng tao ay regalo; subalit ito ay isa ring proyekto. Ipinagkatiwala ito sa atin ng Diyos upang tayo ay lumago sa uri ng buhay na nais niya para sa atin.
Magkakaroon lamang ng kaganapan ang ating buhay kung ito ay 'lilikhain' natin ayon sa layunin ng May-ari nito. "The greatest gift that God has given you is who he has created you to be," sabi ni John Carrano. Ipinaaalaala ng Talinghaga ng Ubasan na sa panahon ng pitasan, tungkulin nating magsulit sa tunay na May-ari.
*Lunes sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|