Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
02 June 2026
 
Larawan. Dahil may nakalagay na larawan ng Cesar sa salaping pambuwis, ito ay pag-aari ng Estado at may tungkulin ang mga mamamayan na magbuwis dito. Subalit dahil ang bawat nilikha ay may tatak ng imahen ng Lumikha, ang Diyos ay may-ari at pinagmulan ng lahat. Maging ang Cesar ay saklaw ng kapangyarihan ng Diyos.

"The biblical text is not about separation between religion and the secular sphere; it is about integration, that is, restoring all things to their rightful owner, God."

Bawat isa ay nilikhang kalarawan ng Diyos. May obligasyon tayo sa May-ari sa atin. May pananagutan tayo sa kanya. Mananagot tayo sa lahat ng ating ginawa.

*Martes sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN