 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 03 June 2026 |
| |
|
Eternal. Sa mga taong hindi naniniwalang may langit, tulad ng mga Saduseo, iisa ang paliwanag ni Hesus: saklaw ng paglingap ng Diyos kahit na ang mga naunang yumao sa atin. Ang Kanyang pag-ibig ay lampas sa hangganan ng kamatayan. Sa Kanyang pag-ibig ay walang pagpanaw . "Siya ang Diyos ng ating mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob."
Makahulugan ang mensahe ng awit na "Sana'y wala nang wakas." Dito nakasaad: "Walang hanggan ay hahamakin... 'pagkat walang katapusan kitang iibigin."
Ganito rin ang sinasabi ng spiritual writer na si Henri Nouwen: "Love - deep, human love - does not know death... It will always reach out toward the eternal."
*Miyerkules sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|