 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 04 June 2026 |
| |
|
Pagdamay. Ipinakita ni Hesus ang matalik na kaugnayan ng relihiyon sa moralidad, at ng tamang pagsamba sa kawanggawa.
Napapakaangkop ng mensaheng ito sa panahon ngayon. Dahil sa dami ng taong nagdaranas ng paghihirap, nasasanay na tayo sa kalalagayang ang mga nasa laylayan ay nakakaligtaan. "We are a society which has forgotten how to weep, how to experience compassion," anang Santo Papa. Humaharap tayo hindi lang sa krisis sa ekonomiya, kundi sa isang krisis moral.
Ang pag-ibig sa Diyos ay kailangan nating maipahayag sa kongkretong pagdamay sa nangangailangan. Sa ating pagmamalasakit, nagkakaroon ng saysay ang haing dinadala natin sa altar ng pagsamba.
*Huwebes sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|