 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 09 June 2026 |
| |
|
Ilaw. Ang mabuting tao ay parang 'stained glass' ng simbahan. Kapag nagsimula nang dumilim ang gabi, mas lumilitaw ang ganda nito dahil may liwanag itong nagmumula sa loob.
Sa gitna ng laganap na karimlan sa lipunan, tungkulin ng bawat Kristiyano ang magbigay ng liwanag. Sa mga taong nawawalan na ng lasa sa mga bagay tungkol sa Diyos, tinatawag tayong maging 'asin' na magpapasidhi sa kanilang pagkauhaw sa bagay na makalangit.
"The more we are different from the world, the more they become relevant to it." Kung ang ating gawi at pagpapahalaga ay umaayon din lamang sa kalakaran ng mundo, paano tayo magiging mabisang saksi sa ebanghelyo ni Kristo?
*Martes sa Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|