Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
13 June 2026
 
Malinis. Magkaugnay ang kahulugan ng maging 'dukha' at 'malinis' sa biblia. Sa karukhaan, ipinapahayag ng isang tao na Diyos lamang ang kanyang tanging yaman. Hindi siya nanghahawakan sa salapi at ari-arian. Sa kalinisan, inilalaan ng isang tao ang kanyang buong buhay sa Diyos. Walang kahati ang kanyang buhay sa paglilingkod. Maging ang yaman ay hindi kayang agawin ang kanyang puso.

Nagtatagpo ang karukhaan at kalinisan sa buhay ni Maria, isa sa mga anawim. Ang kanyang puso ay inilaan niya nang buong-buo kay Hesus, walang kaagaw, walang kahati.

Taglay niya ang isang pusong dukha at malinis, may malawak na lugar para sa Diyos.

*Kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN