Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
14 June 2026
 
Paghirang. Kapag ang Diyos ang pumipili, hindi siya nagtatangi. Pinili ng Diyos ang bayan ng Israel upang maging liwanag sa mga bansa. Pinili ni Hesus ang Labindalawa upang dalhin ang ebanghelyo sa lahat ng tao. God's election is never about favoritism; it is always about service.

Ang paghirang ng Diyos, bagama't isang pribilehiyo, ay isang pananagutan. Tayo ay hinirang sa pamamagitan ng binyag upang maging saksi ng pag-ibig at habag ng Diyos sa mundo. “God never chooses someone to exclude others; He chooses them to bless others.”

Ang paghirang ay hindi pag-angat, kundi paglapit, sa kapwa. Ang tunay na tanda ng isang pinili ay hindi kung gaano karaming biyaya ang kanyang tinanggap kundi kung gaano karaming tao ang nabahaginan niya ng pagpapala.

*Ikalabing isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN