 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 15 June 2026 |
| |
|
Ganti. Natural sa tao ang gumanti at bumawi. Ayaw natin ng naargabyado. Subalit sa paghihiganti, nagiging masahol pa tayo sa taong kinamumuhian natin. Ang galit at dahas ay parang 'spiral' ng kuwaderno. Habang ito'y iniikot, tila walang ubos, parang di matatapos. Ito ang epekto ng batas na "mata sa mata, ngipin sa ngipin." Kapag may nasaktan, ang dagliang reaksyon ng biktima ay makasakit din.
Sa pagpapatawad, nagagapi natin ang ating sarili. Napuputol ang siklo ng karahasan. "He who conquers himself is the greatest victor."
*Lunes sa Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|