Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
16 June 2026
 
Pagpapatawad. 'Matira ang matibay' ang batas ng kagubatan. Walang laban ang maliliit sa mga malalaki. Subalit iba ang batas ng ebanghelyo: 'iligtas ang mahihina.' Tagubilin nitong tulungan ang mga nasa gilid at labas ng lipunan. Maging ang mga kaaway ay saklaw ng pagdamay at pagpapatawad.

Sa pagpapatawad, lumalaya tayo sa galit at poot na umaalipin sa ating puso; lumilikha tayo ng mas malawak na lugar sa Diyos at kapwa sa ating buhay.

*Martes sa Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN