Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
17 June 2026
 
Hipokrito. Marami sa ating mabubuting gawa ang nagiging pakitang-tao lamang kapag mas mahalaga sa atin ang mapansin ng tao kaysa makatulong.

Ang tunay na kabanalan ay hindi nangangailangan ng audience. Hindi ito sinusukat sa dami ng nakakita kundi sa lalim ng pag-ibig na nag-udyok dito. Ang Diyos ay tumitingin hindi sa ating mga post, tarpaulin, o reputasyon, kundi sa pusong marunong gumawa ng mabuti kahit walang pumapalakpak.

*Miyerkules sa Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN