 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 19 June 2026 |
| |
|
Biktima. Ang labis na pagmamahal sa yaman ay nakamamatay. Pinapatay ng kasakiman ang ating espiritu. Sinisira ang ating mga pagpapahalaga at prinsipyo. Nagkakakalyo ang budhi. Kumakapal ang mukha. Isinasakripisyo ang tao at kalikasan sa altar ng salapi.
Sa pagkalulong sa labis na paghahangad, ang may-ari ay nagiging biktima ng kanyang pag-aari. Ang may-ari ay nagiging alipin. Ang yaman ay nagiging diyos. Nilalamon ng kapangyarihan ng salapi ang kanyang panahon, kamalayan, isipan at maging ang kanyang relasyon sa kapwa.
Walang puwang sa puso ng nananalig ang pagkabalisa sa pagkakamal ng yamang lumilipas. "Sapagkat kung nasaan ang iyong yaman, naroon din ang iyong puso."
*Biyernes sa Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|