 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 25 June 2026 |
| |
|
Sandigan. Babagsak ang anumang gusaling mahina ang pundasyon. Gayundin naman, mapapahamak ang taong hindi nakasandig ang buhay sa Salita ng Diyos.
Walang saysay ang buhay ng taong isinasandig ang kanyang bukas sa mundong lumilipas. Subalit ang pagsalig sa Salita ng Diyos ay nagdudulot ng makalangit na pananaw. Sa harap ng mga ligalig at pagsubok sa buhay, mananatili siyang matibay at matatag sapagkat taglay niya ang karunungan mula sa Itaas.
Tama ang sinasabi ng isang awit: "Si Kristo ang sandigan, di magigiba!"
*Huwebes sa Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|