Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
26 June 2026
 
Marumi. Itinuturing ng lipunan noong panahon ni Hesus ang mga ketongin na marumi. May batas na naghihiwalay sa kanila sa mga malilinis. Hindi na sila kabilang sa lipunan: nasa labas at gilid na lang ng lunsod.

Sinalungat ni Hesus ang batas. Hinipo niya ang ketongin. Hinipo muna niya ito bago linisin, minahal bago patawarin. Tinawid niya ang pader na naghihiwalay sa malinis at marumi. Pagmamahal ang naging daan sa paghilom.

Lahat tayo ay marumi sa mata ng Diyos. Subalit nilinis at pinagaling ng kanyang pag-ibig. Sa pagbuwag natin sa bakod ng paghihiwalay, magsisimula ang pagkakasundo at paghilom.

*Biyernes sa Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN