|
|
 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 02 July 2026 |
| |
|
Paralisis. Dobleng himala ang ginawa ni Hesus nang pagalingin Niya ang paralitiko. Hindi lang ito nakabangon mula sa banig ng karamdaman; nakalag din ang kanyang pagkakagapos sa kawalang pag-asa. Nagsimula sa kanya ang isang bagong buhay na kaloob ni Hesus.
May mas malalim na uri ng paralisis sa ating panahon: ang kawalan ng pakialam sa mga nagaganap sa lipunan at kapaligiran. Ito ay paralisis na bunga ng takot at pagsasawalang-kibo.
Hingin natin ang biyaya ni Kristo upang palayain tayo sa paralisis ng ating puso.
*Huwebes sa Ikalabing-tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|
| |
|
|
|
| |
 |
| Diocese of Lucena dot org All Rights Reserved ©2020 |
| This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena |
| |
| HOME | BACK TO TOP | LOG IN |
| |
| |
| |
|