Share the Thought by Msgr. Andro
03 July 2026
 
"Panginoon ko at Diyos ko!" May mas gaganda pa bang panambitan dito? Huwag nating tingnan ang naunang pag-aalinlangan ni Tomas kundi ang kanyang pahayag ng pananalig. Sinamba niya at dinakila si Jesus bilang Panginoon at Diyos. Ito rin ang pagsambang hinihingi sa atin. Mainam na sa harap ng Kabanal-banalang Sakramento ay buong pag-ibig nating sambitin, " Panginoon ko at Diyos ko!"

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN