 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 03 July 2026 |
| |
|
Pananalig. Higit na kilala si Sto. Tomas sa pagdududa kaysa sa pananalig. Subalit, isinatinig ni Tomas ang pananalig ng unang Simbahan nang ipinahayag niya si Hesus bilang "Panginoon (Kyrios) at Diyos (Theos)." Sa Lumang Tipan, ang mga katagang ito ay katumbas ng pangalang iniaangkop lang sa Diyos.
Tulad din tayo ni Tomas. Ang pananampalataya ay di agad lubos at perpekto. Sa bawat mumunting pagtugon, lumalago tayo sa ating pagkakilala kay Hesus.
Pananalig ang nagbubukas ng ating mga mata upang tunay na makakita. "Our heart never loses sight of what eyes can't see."
*Kapistahan ni Sanro Tomas Apostol |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|