Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
06 July 2026
 
Pag-asa. May mga sandali sa buhay na pakiramdam natin ay huli na ang lahat—parang wala nang pag-asa at wala nang mangyayaring mabuti. Ngunit kay Hesus, walang sitwasyong lampas sa Kanyang kapangyarihan. Ang pananampalataya ay pagtitiwalang kikilos Siya sa tamang panahon.

Kung may dinadala kang mabigat ngayon, di dapat mawalan ng pag-asa. Maaaring hindi agad magbago ang sitwasyon, ngunit sapat nang malaman na kasama natin ang Panginoon. Ang kamay na umaabot kay Hesus ay hindi Niya kailanman bibiguin. Ang pusong nagtitiwala ay laging makasusumpong ng bagong pag-asa.

*Lunes sa Ikalabing apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN