 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 07 July 2026 |
| |
|
|
Walang sinasayang na oras. Ganyan si Jesus sa salaysay ng ebanghelyo ngayon. Nilibot niya ang mga bayan at nayon, nangaral ng Mabuting Balita at nagpagaling ng mga maysakit. Sana ganoon din tayo. Napakaraming dapat gawin upang matulungan ang kapwa. Hindi maaaring tayo'y magsawalang-kibo na lamang. Gamitin natin ang bawat pagkakataon. Gawin nating ang ngayon ay mas maayos kaysa kahapon. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|