Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
12 July 2026
 
Sagana. Ang pakikinig sa Salita ng Diyos ay parang pakikinig sa radyo. Kailangang nakatutok ka sa tamang frequency. Hindi mo ito maririnig kapag naka-'tune-in' ka sa ibang frequency.

Nakatutok kaya tayo sa 'frequency' ng Diyos? Mayroon kaya tayong angkop na disposisyon para tumanggap ng kanyang mensahe?

Sabi ni San Agustin, "The same sun that melts the wax hardens the clay." Iisang Salita ng Diyos ang ating naririnig, pero depende sa kabukasan ng puso kung ito ay magbubunga o hindi.

Anong uri kaya tayo ng lupa pa pinaghasikan ng Salita: tabing daan, batuhan, dawagan o mabuting lupa na nagbigay ng saganang bunga?

The Word received becomes a life transformed; the life transformed becomes a blessing shared.

Ang tunay na sukatan ng pakikinig sa Salita ay hindi ang dami ng nalalaman, kundi ang lalim ng pagbabagong idinudulot nito. Ang pusong tumatanggap sa Salita ng Diyos ay hindi lamang nababago kundi nagiging bukal ng pagpapala sa iba.

*Ikalabing Limang Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN