Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
19 July 2026
 
Pagbangon. Ang kabutihan ay katulad ng isang binhi. Kahit ilibing sa lupa ng mga kalaban, muli't muli itong sisibol upang magbigay ng buhay.

Ang buhay ay patuloy na pagtutunggali ng kasamaan at kabutihan. May pagkakataong akala natin ay nagtatagumpay ang kasamaan. Subalit darating ang araw ng paghatol. Sa wakas ay mamamayani ang Diyos ng katarungan.

Sa talinghaga, hinayaan ng May-ari na tumubo nang magkasabay ang damo at trigo. Dahil magkapareho ang panlabas na anyo nila, baka kapag binunot ang mga damo ay madamay pati ang trigo. Sa lahat ng nagaganap sa lipunan, ang paliwanag ay nasa isip ng Diyos na maalam.

Hindi dapat panghinaan ng loob ang taong matuwid sa pagtataguyod ng kabutihan, kahit na nasa panig ng kalaban ang kapangyarihan. Hindi kayang patayin ng anumang sandata ang kabutihan.

Sabi nga ng isang makata: "They tried to bury us. They didn’t know we were seeds.”

*Ikalabing anim na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN