 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 20 July 2026 |
| |
|
Tanda. Likas sa tao ang hanapin ang Diyos sa mga kagila-gilalas at kahanga-hanga. Dinarayo ng marami ang umano'y mga lugar ng milagro. Di natin pinapansin ang mga bagay na karaniwan.
Subalit ang totoo, nagpapahayag ang Diyos sa anyo at paraang ordinaryo. Patuloy Siyang nagkukubli sa likod ng mga karaniwang pangyayari. Nagsasalita siya sa pamamagitan ng mga "tanda ng panahon."
Sa mata ng nananalig, buháy at aktibong gumagalaw ang Diyos sa ating buhay.
*Lunes sa Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|