Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
27 July 2026
 
Maliit. Sa mga mumunting bagay nagsisimula ang malaki at dakilang bagay. Sa mata ng Diyos, may halaga ang mga maliliit na kabutihang ginagawa ng tao sa kapwa.

Maraming pagkakataong ang inaakala nating "maliit na bagay" ay malaking bagay pala para sa iba. Ganito ang Kaharian ng Diyos. Tulad ng butil ng mustasa, nagsisimulang maghari ang Diyos sa mumunting kabutihang ginagawa natin araw-araw.

Hindi tayo dapat manghinawa kung tila hindi magbubunga ang ating mga pagsisikap. Ang Diyos ang magbibigay-kaganapan sa ating pinasimulan.

*Lunes sa Ikalabing pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN