 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'May-ari' ni Msgr. Noel |
| 01 June 2020 |
| |
|
Ang buhay ng tao ay regalo; subalit ito ay isa ring proyekto. Ipinagkatiwala ito sa atin ng Diyos upang tayo ay lumago sa uri ng buhay na nais niya para sa atin.
Magkakaroon lamang ng kaganapan ang ating buhay kung ito ay 'lilikhain' natin ayon sa layunin ng May-ari. "The greatest gift that God has given you is who he has created you to be," sabi ni John Carrano. Ipinaaalaala ng Talinghaga ng Ubasan na sa panahon ng pitasan, tungkulin nating magsulit sa tunay na May-ari.
Ipinamalas ni Maria, Ina ng Simbahan (Mater Ecclesiae), ang landas tungo sa kaganapan ng buhay-Kristiyano. Sa kanyang 'Fiat,' inilaan niya ang buong buhay sa pagsunod sa layunin ng Lumikha.
Ganito tayo dapat maging, sabi ni Papa Francisco. For Mary is exactly what God wants us to be, what he wants his Church to be: A Mother who is tender and lowly, poor in material goods and rich in love, free of sin and united to Jesus, keeping God in our hearts and our neighbor in our lives.
*Lunes sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon/ Pag-aalaala kay Maria, Ina ng Simbahan |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|