 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 03 August 2026 |
| |
|
Bagyo. Kahit kasa-kasama ng mga alagad si Hesus sa bangka, sinalubong pa rin sila ng malakas na hangin.
Ganito rin ang buhay. Hindi garantiya ang pagiging mabuti o madasalin na wala nang problema. Minsan, habang tapat tayong naglilingkod, saka pa dumarating ang pinakamalalaking pagsubok.
Sa Bibliya, ang dagat ay simbolo ng kaguluhan at kasamaan. Ngunit si Jesus ay lumalakad sa ibabaw ng dagat. Ibig sabihin, "he is in control." Ang mga unos ng buhay ay nasa ilalim lamang ng Kanyang mga paa.
Hindi laging inaalis ng Diyos ang bagyo; subalit ipinapakita Niyang Siya ang Panginoon maging sa gitna nito.
*Lunes sa Ikalabing walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|