 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 10 August 2026 |
| |
|
Binhi. Ang kamatayan ay bahagi ng realidad ng buhay. Ang binhi ay kailangang mamatay para mamunga nang sagana. Ang mga bayani ay kailangang mag-alay ng buhay para magising at magbago ang lipunan. Tayo ay kailangang mamatay sa pagkamakasarili para magbago at umunlad ang pagkatao Sabi nga, we must "be willing to surrender what we are for what we could become."
Ani Hesus: "Ang sinumang nagmamahal sa kanyang buhay ang siyang mawawalan nito; ang sinumang mapoot sa kanyang buhay ang siyang magkakamit nito."
Noong tayo'y binyagan, pumanaw ma tayo sa lumang sarili upang si Kristo ang sa atin'y mabuhay. Sa ating mumunting kamatayan, nahahasik ang binhi ng bagong buhay.
*San Lorenzo Diakono at Martir |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|