Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
12 August 2026
 
Dakila. Nang tanungin si Hesus kung sino ang pinakadakila, tinawag niya ang isang bata at siyang ginawang "visual aid."

Ang bata ay sagisag ng kahinaan at kawalang-kapangyarihan. Umaasa lang sa iba para mabuhay. Hindi kumpleto ang buhay na walang Diyos.

Ganito rin ang relasyon natin sa Diyos. Kaakibat ng katuturan ng ating pagkatao ang ugnayan sa Lumikha.

Si Maria ang huwaran ng ganitong espiritu ng pagiging "maliit" sa harap ng Diyos. Dahil sa kanyang kababaang-loob at lubos na pagtitiwala, itinampok siya ng Diyos at ginawa siyang Ina ng Tagapagligtas.

*Martes sa Ikalabing-siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon*

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN