Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
13 August 2026
 
Polusyon. Ang pagkikimkim ng sama ng loob ay parang basurang unti-unting naiipon sa puso—kumokonsumo ng ating kapayapaan at humahadlang sa ating kalayaang magmahal. Sa pagpapatawad, nililinis natin ang ating kalooban upang manatiling malaya ang puso para sa Diyos at sa kapwa.

Si Maria ay huwaran ng pusong walang puwang para sa poot at paghihiganti, sapagkat ang kanyang puso ay ganap na nakatuon sa Diyos. Sa pagtingin sa kanya, tinuturuan tayong panatilihing malinis ang puso , upang hindi ito maging imbakan ng sama ng loob kundi tahanan ng Diyos at daluyan ng Kanyang awa.

*Huwebes sa Ikalabinsiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon*

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN