 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 14 August 2026 |
| |
|
Tapat. Ang katapatan ay hindi lamang pananatili sa isang pangako kundi patuloy na pagpili sa minamahal, sa hirap at ginhawa. Sa buhay ni Maria, makikita ang ganitong katapatan—mula sa kanyang “Oo” sa Diyos hanggang sa kanyang pananatiling kasama ng Anak sa paanan ng krus.
Si Maria ay larawan ng pusong hindi umaatras kapag nagiging mahirap ang pagsunod. Sa debosyon sa kanya, tinuturuan tayong maging tapat sa ating bokasyon, sa ating mga pangako, at higit sa lahat, sa Diyos na unang naging tapat sa atin.
*Biyernes sa Ikalabinsiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|