Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
17 August 2026
 
Kamukha. Hindi masama ang salapi; ito ay kaloob na maaaring gamitin sa paglilingkod. Ngunit kapag ang isang bagay na dapat lamang 'gamitin' ay ating minahal nang higit sa Diyos, nagiging idolo ito—at unti-unti tayong nagiging kamukha ng bagay na ating pinaglilingkuran.

Si Maria ay kabaligtarang larawan ng pusong hindi alipin ng yaman o sarili. Sa kanyang “Oo” sa Diyos, ipinakita niya na ang tunay na kayamanan ay ang Panginoon. Kapag Diyos ang sentro ng ating buhay, unti-unti rin tayong nagiging kawangis ni Kristo.

Kanino tayo tunay na naglilingkod? Sa ating pamumuhay, sino ang unti-unti nating nagiging kamukha?

*Lunes sa Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon*

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN