 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 18 August 2026 |
| |
|
|
Hindi naman mismong yaman ang hadlang para makapasok sa langit kundi ang pagkaalipin dito. Ang tinutukoy ni Jesus ay ang binatang mayaman na hindi handang magkaloob sa mga dukha. Ang totoo, maraming mayaman ang nakatagpo ng daan papuntang langit dahil sa kanilang kagandahang-loob. Mahirap ngang makapasok sa langit ngunit kakayanin ito ng mariwasang mapagbigay. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|