 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 19 August 2026 |
| |
|
Patas. Sa mata ng tao, tila hindi patas ang Diyos: bakit iisa ang gantimpala ng mga matagal nang naglilingkod at ng mga huli lamang tumugon sa Kanyang tawag? Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay hindi sinusukat sa dami o tagal ng ating ginawa; ang gantimpala ay hindi lamang para sa ating paglilingkod kundi ang Diyos mismo na ating pinaglilingkuran.
Si Maria ang larawan ng pusong hindi nakikipagpaligsahan sa biyaya. Sa ating debosyon kay Maria, tinuturuan tayong huwag ikumpara ang ating sarili sa iba, kundi magalak sa biyayang tinatanggap ng bawat isa.
Sa kaharian ng Diyos, hindi tanong kung sino ang nauna o nahuli; ang mahalaga ay kung sino ang tumugon sa pag-ibig. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|