 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 20 August 2026 |
| |
|
Kasuotan. Ang panlabas na anyo, titulo, o karangalan ay hindi garantiya ng kabanalan. Sa talinghaga, ang damit-pangkasal ay sumasagisag sa pusong hinubog ng paulit-ulit na paggawa ng mabuti — sapagkat ang kabutihang palagi nating isinasabuhay ay unti-unting nagiging ating pagkatao.
Si Maria ay larawan ng pusong “nakasuot” ng biyaya —hindi lamang sa kanyang kalinisang-puri kundi sa kanyang kababaang-loob, pagsunod, at paglilingkod.
Sa kanyang “Oo” sa Diyos, ipinakita niyang ang kabanalan ay hindi isang minsanang kilos kundi isang buhay na gawi: araw-araw nating isinusuot si Kristo sa paraan ng ating pamumuhay.
*Huwebes sa Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|