Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
22 August 2026
 
Reyna. Ipinakita ni Maria ang isang kahariang hindi nasusukat sa kapangyarihan kundi sa pagtanggap at pagsunod sa Diyos. Nang sabihin niya, “Narito ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ayon sa iyong salita" (Lucas 1:38), doon nagsimulang mahayag ang kanyang tunay na kadakilaan.

Si Maria ay Reyna hindi dahil siya ang naghari sa iba, kundi dahil buong-buo niyang hinayaang maghari ang Diyos sa kanyang buhay. Ang kanyang korona ay ang kababaang-loob, ang kanyang kapangyarihan ay ang paglilingkod, at ang kanyang trono ay pusong bukas sa kalooban ng Diyos.

Sa Kapistahan ng Pagka-Reyna ni Maria, tinatanong din tayo: Sino ang tunay na naghahari sa ating puso? Tulad ni Maria, matutuhan nawa nating isuko sa Diyos ang ating mga plano at sabihin araw-araw: "Mangyari sa akin ayon sa Iyong salita."

*Agosto 22, Kapistahan ng pagka-Reyna ni Maria

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN