Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
21 August 2026
 
Pag-ibig. Hindi lamang kasiyahan ang hinahanap ng puso ng tao kundi kahulugan. Ito ang nagbibigay ng dahilan upang mabuhay at mag-alay ng sarili. Sa huli, pag-ibig ang nagbibigay-katuturan sa ating pag-iral.

Si Maria ang larawan ng buong pusong pag-aalay ng sarili. Sa kanyang “Narito ang alipin ng Panginoon” (Lucas 1:38), ipinakita niyang ang tunay na buhay ay natatagpuan kapag inihahandog natin ang ating sarili sa Diyos at sa Kanyang kalooban.

Sa pag-ibig, natututuhan nating mag-alay; at sa pag-aalay, tunay nating natatagpuan ang buhay.

*Biyernes sa Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon*

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN