Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
23 August 2026
 
"PDA." Pahayag. "Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay." Ang sagot ni Pedro kay Hesus ang tunay na PDA, Public Display of Affection, kay Kristo. Tulad ng pag-ibig ng magsing-irog, ang pananampalataya ay hindi dapat itago o ikahiya. Kung mahal mo, ipapakita mo.

Debosyon. Sabi ni Pope Benedict XVI, ang pagka-Kristiyano ay “personal na ugnayan kay Kristo, hindi lang pagsunod sa adhikain ng relihiyon.” Ang dasal, Misa, at paglilingkod ay hindi trabaho lang o obligasyon. Dapat itong bumubukal sa tapat na pananalig. Debosyon, hindi lang duty.

Alay. Ang pagpapahayag ay may kasamang paninindigan. Si Pedro na minsang nanghina, naging batong matatag dahil sa pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig ay handang mag-alay, handang ipaglaban. Hindi lang matamis na pananalita, kundi sakripisyo.

PDA ba ang pananampalataya ko? O naka-private account lang si Hesus sa buhay ko?

*Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN