 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 25 August 2026 |
| |
|
Balik-Loob. Maaaring maging maayos ang anyo ngunit hindi laging sumasalamin sa laman ng puso. Ito ang tinuligsa ni Hesus sa panlabas na 'kabanalan' ng mga eskriba at Pariseo. Sapagkat ang tunay na pagbabago ay hindi nagsisimula sa loob —sa pusong muling bumabalik sa Diyos.
Si Maria ay larawan ng pusong bukas at tapat sa Diyos. Sa kanyang 'Fiat', makikita ang isang pusong hindi nagpapanggap kundi buong-buhay na tumatanggap sa kalooban ng Diyos. Ang tunay na debosyon ay hindi dapat manatili sa mga anyo ng ritwal; dapat magmula ito sa kalooban at mamalas sa ating mabuting gawa.
*Martes sa Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|