Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
04 September 2026
 
Bagong Alak. Mahirap magbago ang mga taong namumuhay sa nakaraan. Kapag nahirati tayo sa lumang gawi, ayaw na natin itong iwan. Ayaw nating tanggapin ang alok ng bagong pasimula.

Ang pagiging bago ay katangian ng ating buhay-Kristiyano. Hindi na pwedeng ipilit na 'isilid' sa ating bagong pagkatao ang mga gawaing taliwas sa ating bagong buhay at dangal. Hindi hiyang ang masamang ugali sa ngalang Kristiyano na ating tinanggap.

*Biyernes sa Ikadalawampu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN