 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 07 September 2026 |
| |
|
Dunong. Hindi ang dami ng naisilid natin sa isip ang sukatan ng dunong, kundi ang kabutihang ipinunla natin sa puso. Sa ebanghelyo, ang mga pariseo ay itinuturing na eksperto sa batas at mga bagay ng relihiyon. Pero naging sarado ang kanilang isip sa katotohanan. Nagbulag-bulagan sa tunay na layunin ng batas.
"Alin ba ang mahalaga, ang magligtas ng buhay o pumatay,?" tanong ni Hesus. Ang katapatan ay katambal ng karunungan. Ang taong may dunong ay gumagamit ng puso at hindi lamang ng isip. Ang kaalaman na walang kahalong paglingap ay nauuwi sa kapalaluan.
*Lunes sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|