Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
11 September 2026
 
Pagpuná. Likas na siguro sa tao ang higit na makita ang kahinaan ng iba kaysa sa sarili. "Bago mo punahin ang dumi sa mata ng iyong kapwa, alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata," ang paalaala ni Hesus sa ebanghelyo.

Anumang pagpapanibago ay dapat magsimula sa sarili. Walang taong nalugi sa buhay dahil siya ay nagkusa sa paggawa ng kabutihan.

May kapangyarihan ang salita at pangaral ng taong may hangaring mabuti at banal.

*Biyernes sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN