 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 17 September 2026 |
| |
|
Halik. Ibang klase ang ginawang pagtanggap kay Hesus ng babaeng makasalanan sa ebanghelyo. "Siya’y nanangis at nabasa ng kanyang luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinagkan, at pinahiran ng pabango." Ang pagmamahal kay Hesus ay maihahalintulad sa pag-iibigan ng magsing-irog.
Ganito dapat ka-'close' ang ugnayan ng mga nananalig kay Kristo. "Personal at hindi trabaho lang." Debosyon at hindi obligasyon lang - bumubukal ito sa tapat na pananalig.
Ayon kay Papa Emerito Benedicto: Ang ating pagka-Kristiyano ay hindi lang isang pagsunod sa mga adhikain ng relihiyon; ito ay personal na ugnayan kay Kristo.
*Huwebes sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|