 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 18 September 2026 |
| |
|
Katiwala. "Money is a good servant but a bad master." Mainam na gamitin ang salapi sa paglilingkod pero mahirap maging alipin nito ang ating puso.
May pananagutan tayo sa paggamit ng anumang yamang mayroon tayo. Ipinahiram lang sa atin ang mga bagay sa daigdig para linangin at gamitin sa paglilingkod.
Tayo'y katiwala lang ng lahat ng pagpapala galing sa Diyos. Gamitin natin ang panahon, dunong, yaman sa pagtataguyod ng misyon ni Kristo.
*Biyernes sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|