Share the Thought by Msgr. Andro
19 September 2026
 
"Rootless generation." Ganito inilarawan ni Henri Nouwen ang mga tao sa makabagong panahon.

Dahil sa kawalan ng ugat, hindi natin matagpuan ang tunay na kaligayahan sa buhay. Sagana sa mga bagay, subalit salat sa paglingap at pagmamahal.

Sa Talinghaga ng Manghahasik, may mga taong nakikinig ng Salita, subalit hindi ito nagbubunga dahil sa kawalan ng ugat.

"The modern world is unhappy because it does not touch eternity" (Peter Kreeft).

Malungkot ang modernong mundo dahil wala itong ugat. Nawalan ito ng ugat dahil pinutol nito ang sarili sa Kawalang- Hanggan — sa Diyos.

Pinagagaling tayo ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-uugat muli sa Kanya. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng tunay na kahulugan ang ating buhay.

*Sabado sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN