Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
28 September 2026
 
Martir. Ang kamatayan ng martir, gaya ni San Lorenzo, ay ang pinakamataas na antas ng pagsaksi kay Kristo. Tulad ng butil ng trigo na nahulog sa lupa, itinuturo nila sa atin na tanging kamatayan ang daan tungo sa buhay na ganap.

Ang buhay ng Kristiyano ay isang patuloy na pagsasanay na "mamatay" para kamtin ang buhay: mamatay sa pagkamakasarili at kasakiman; mamatay sa pagsasawalang-kibo at karuwagan; mamatay sa bisyo upang magbagong buhay.

"To die for the faith is a privilege given to a few, but to live the faith is a call to everyone" (Pope St. John Paul).

Setyembre 27, Kapistahan ni San Lorenzo, Ruiz at mga Kasama

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN