Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
29 September 2026
 
Anghel. Ang mga anghel ay mga espiritung isinusugo ng Diyos para gumabay at maghatid ng tulong sa tao. Si San Gabriel ang naghatid ng mabuting balita sa Ina ng Mananakop. Si San Miguel ang tagapagtanggol sa ating pakikipatunggali sa pwersa ng kadiliman. Si San Raphael ang tagapagdala ng lunas at kagalingan.

Sa mga sandali ng kagipitan, hatid ng mga anghel ang 'ayuda' ng Diyos sa ating mga pangangailangan. Sa kabila ng kawalang hanggan ng Diyos, tinatawid niya ang ating abang katatayuan upang ipadanas sa tao ang kanyang awa at pagmamahal.

*Setyembre 29, Kapistahan ni San Miguel, San Gabriel at San Rafael Arkanghel

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN