Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
01 October 2026
 
'Credential.' Ayon sa kasabihan, mas madaling makaakit ng langaw ang isang kutsarang pulot kaysa isang bariles na suka. Sa pangangaral, mas matindi ang kapangyarihan ng isang mabuting gawa kaysa maraming salita. Wika nga ni San Francisco de Asis: “Go and preach the Gospel. Use words if necessary.”

Nang isugo ni Hesus ang Pitumpu't Dalawa para mangaral, pinagbilinan Niya silang huwag magdala ng anuman. Sa harap ng hamon ng lipunang kapos sa pananalig, ito ang tanging 'credential' na maaari nilang panghawakan.

Ito ang misyon nating mga Kristiyano sa ating panahon. "The best criticism of the bad is the practice of the better" (Richard Rohr).

*Huwebes sa Ikadalawampu't Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN